Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Casimero type ‘tikman’ si Butler

H8NILING ni John Riel Casimero sa World Boxing Organization na bigyan siya ng pagkakataong labanan ang kampeon na si Paul Butler sa pagnanais nitong mabigyan ng daan para sagupain naman ang undefeated unified champion na si Naoya Inoue ng Japan.

Nakiusap mismo ang tinaguriang “Quadro Alas” na si Casimero sa WBO na gawin siyang mandatoryong challenger at bawiin ang dating hawak na korona sa kasalukuyang may hawak sa bantamweight title na si Butler.

Sa isang post sa kanyang social media na naka-address kay WBO President Francisco ‘Paco’ Valcarcel, iginiit muli ng 32-anyos na si Casimero ang kanyang pagnanais na makaharap ang taong nanalo ng kanyang 118 pounds na korona matapos matanggalan ng titulo nakaraang buwan.

“Give me a chance sir to fight champion of WBO Paul Butler for mandatory,” sabi ni Casimero

Matatandaan na tinanggalan ng titulo si Casimero matapos lumabag sa mahigpit na patakarang medikal ng British Boxing Board of Control (BBBoC) dahil sa paggamit ng sauna ilang araw bago ang kanyang title defense laban kay Butler sa Liverpool, England noong Abril 23.

Si Butler ay ipinares laban sa kapalit na challenger na si Jonas Sultan kung saan tinalo ang Filipino sa pamamagitan ng unanimous decision para makamit ang interim WBO belt.

Kasunod ng desisyon ng boxing body na tanggalin si Casimero sa kanyang titulo, itinaas si Butler bilang regular na kampeon sa WBO.

Gayunman, si Casimero ay pinangalanan ng WBO bilang No. 1 contender sa dibisyon kaya nananatiling mataas ang posibilidad na hamunin nito si Butler sa isang mandatoryong laban. (Lito Oredo)