Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Carlos Creamline liyamado

STANDING

TEAM W L

PLDT Home Fibr 2 0

Creamline 1 0

Cignal 0 1

Black Mamba Army 0 2

KingWhale Taipei 0 0

KSWU Japan 0 0

Mga laro ngayong Sabado

(Ynares Center-Antipolo)

Isasaboy uli ni Diana Mae ‘Tots’ Carlos at tropa sa Creamline ang bangis sa misyong dominahin at palitan sa tuktok ang PLDT Home Fibr, sa rematch sa 5th Premier Volleyball League Invitational Conference semifinals sa Ynares Center-Antipolo ngayong Sabado.

Pasabog ang 24 na taong-gulang at 5-9 ang taas na Kapampangan opposite hitter ng 24 points nang muling tambangan ang Army Black Mamba sa apat na set noong Huwebes sa unang salang sa Final 6, samantalang naka-17 nang i-streaight set win ang High Speed Power Hitters (2-0) sa eliminations noong Hulyo 30.

Alas-5:30 ng hapon ang ratratan ng Cool Smashers (1-0) at PLDT, makalipas ang panghimagas na sultada sa alas-2:30 ng hapon ng Cignal (0-1) at Lady Troopers (0-2). (Gerard Arce)