Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Burado si James: Enrique bubuntot kay Liza sa US

Para tuldukan ang tsismis na hiwalay na sila, binabalak pala ni Enrique Gil na sundan ang girlfriend na si Liza Soberano sa US.

Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog sa YouTube na in-uload kahapon, Aug. 11.

Napag-usapan kasi nila ang first Hollywood film ni Liza na “Liza Frakenstein” at masayang-masaya nga si Ogie para sa dating alaga na nagkatotoo na ang pangarap nitong ma-penetrate ang Holywood.

“Finally, may gagawin na pala si Liza! Tinatanong ako kung ano, ‘alam mo ba ‘to Ogie?’ Hindi ko alam ‘to, nabalitaan ko lang din. Nabasa ko lang,” sey ni Ogie.

“Ang dinig ko parang kapatid yata siya ng bida (Liza’s role). Dinig ko lang naman, ha?” aniya pa.

At dito na nga niya inanunsyo ang plano ni Quen na dalawin si Liza sa shooting.

SM food to go Banner Ad

“Ang nakarating sa akin ay since nandiyan si James Reid ay dadalaw din at pupunta rin ng US itong si Quen, si Enrique Gil. Yes, dadalawin niya sa shoot itong si Liza. Alam ko, New Orleans. Para dalawin sa kanyang shooting itong si Liza Soberano,” pagbabalita ni Ogie.

Well, hindi naman kaila sa lahat na lately nga ay may tsismis na hiwalay na sina Liza at Quen at may mga netizen din na binibigyan ng malisya ang closeness nina Liza at James.

Muli ay nilinaw ni Ogie na sina Liza at Quen pa rin at kaya nga raw pupunta ang aktor sa US ay para matuldukan na rin ang hiwalayan issue.

“Kaya nga itong si Enrique, papasyal sa US, dadalawin si Liza. Para di ba, para malinis, wala nang rumor-rumor na si James Reid at si Liza,” ani Ogie.

“Siyempre, very much on pa rin si Enrique at si Liza,” diin pa ng talent manager/vlogger.