Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Booster kailangan para maging kumpleto COVID bakuna – DOH

Muling binuhay ng Department of Health (DOH) ang panukala kung saan kailangang magpabakuna ng unang booster shot para matawag na fully vaccinated ang isang indibidwal.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, binuhay ang panawagan dahil sa mababang bilang ng mga nagpapa-booster shot.

“We are now again proposing to the Office of the President that our fully vaccinated definition be refined, that we will now include the first booster shot,” wika ni Vergeire sa panayam ng ANC nitong Miyerkoles.

Wika pa ni Vergeire, masyadong naging kampante ang taumbayan na sapat na ang primary doses o ang first at second dose para sa ganap na proteksiyon kontra COVID.

Bukod sa pagiging kampante, napansin din aniya ng DOH na hindi na inoobliga sa mga opisina at eskuwelahan ang booster shot. (Mark Joven Delantar)