Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bookeeper nagbulsa ng SSS contribution, tiklo

Arestado ang isang bookeeper matapos umano nitong ibulsa ang P50,000 na buwanang kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng mga kapwa niya empleyado sa Cordova, Cebu noong Biyernes.

Inihain ni P/Cpl. Roy Roberts sa suspek na si Marilyn Regner, 37-anyos, ang inisyung warrant of arrest ni Lapu-Lapu City Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 1 Judge Genevieve Lawas sa kanilang tahanan sa Barangay Gabi sa nasabing bayan bandang alas-10:00 ng umaga.

Tinanggap na bookeeper at time keeper si Regner sa isang private resort sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong Disyembre ng 2019 at bahagi ng kanyang trabaho ang pag-remit ng kanilang kontribusyon sa SSS.

Gayunman, sinabi ng suspek na hindi niya ito naibayad dahil sa kakapusan ng pera bunsod ng mababang suweldo.

Pumirma si Regner ng promisory note sa harap ng abogado ng resort na babayaran niya ang nagastos na pera pero hindi niya ito natupad dahilan para tuluyan siyang ipaaresto.