Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bersamina, 2 pa tabla sa astig na mga Greek

YUMUKOD ang 52nd seed Team Pilipinas kontra 25th seed Greece, 1.5-2.5, nang matalo si Rogelio Barcenilla, Jr. (ELO 2463) sa kapwa Grandamaster Nikalos Theodorou (2575) sa board 2 sa 44th Chess Olympiad 2022 men’s division eigth round Sabado ng gabi sa Four Points by Sheraton sa Chennai, India.

Tinapos sa tabla nina GMs Mark Paragua (2461) at John Paul Gomez (2451), at International Master Paulo Bersamina (2429) ang mga laban sa board 1, 3 at 4 para sa kalahating puntos bawat isa kontra kina GMs Dimitrios Mastrovasilis (2599), Athanasios Mastrovasilis (2527) at Hristos Banikas (2598), ayon sa pagkakasunod.

Ang senaryo’y nagpako sa mga Pinoy woodpusher sa 10 match points pa rin upang malaglag sa pagtabla sa pang-28-49 na posisyon kasama ang 21 iba pang team. Galing sa 18th-32nd ang bansa pagkaraang sorpresahin ng draw ang fifth seed Poland noong Sabado.

Umakyat naman ang Greek sa pam-7-16 na puwesto. Nasa tuktok mag-isa ang 12th seed Armenia na may 15 match pts.

Nakahambalang sa PH ang 24th seed Georgia pagtirada ng ninth round Linggo ng gabi. (Elech Dawa)