Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bea guwardiyado ni Dom

Ni: ARCHIE LIAO

Nag-post si Dominic Roque sa kanyang Instagram account ng litrato niya kasama ang Hollywood actor na si Danny Trejo.

May caption itong “with Danny…🙌🏼”

Marami namang faney ang pinusuan ang nasabing photo nilang dalawa.

Sey ng ilan, hindi raw natiis ni Dominic si Bea Alonzo kaya sinundan nito ang aktres sa Palawan.

Si Bea ay kasama sa Hollywood movie na “1521: The Battle of Mactan”, isang historical epic film tungkol sa pre-colonial era sa kasaysayan ng bansa nang madiskubre ni Magellan ang Pilipinas.

Tampok dito si Trejo na kilala sa mga pelikulang “Machete”, “Con Air”, “Heat” at iba

Hirit naman ng ilan, hamak na mas guwapo raw si Dom sa Hollywood actor.

Hindi raw kaya sinamahan nito ang dyowa dahil bet din nitong ma-discover at magkaroon ng career sa Hollywood?