Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bea bidang-bida sa int’l movie ‘Battle of Mactan’

Una na ngang lumabas sa Abante ang pagsabak ni Bea Alonzo sa isang international movie, na ‘1521: The Battle of Mactan’ ang title.

Noong July 6 nga ay dumating sa Pilipinas si Michael Copon, ang magdidirek ng movie, at gaganap din bilang si Lapu-Lapu.

Sa Instagram ng Hollywood actor na si Hector David, “Pinch me, I think I dreaming! Such a beautiful soul!” sabi niya sa photo nila ni Bea.

Si Bea nga ang gaganap bilang si Diwata, isang young native princess with goddess-like beauty, na na-in love sa dashingly handsome Spanish soldier na si Enrique. Si Hector David, Jr. ang gaganap bilang Enrique.

Samantalang si Costas Mandylor ang gaganap bilang Lorenzo.

Kasama rin sa pelikula sina Maricel Laxa, Danny Trejo.

Siyanga pala, si Hector David Jr., ay lumabas na sa mga pelikulang Percy Jackson & the Olympians: The Lightning Thief, Power Ranges, at marami pang iba.

Anyway, nasa Palawan nga ang grupo para sa shooting. At sabi ng prodyuser na si Francis Lara Ho, “Our team’s desire is to make a great movie that will make the Filipino proud, that will make God pleased, and that will make our family proud and will impact people with goodness and greatness of the Filipino people, but this is not only about Filipinos because we have Magellan and other characters.”

(Dondon Sermino)