Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Barangay Liga ng Milo patok

PINASIGLA ng Milo Philippines ang summer season ng mga bata sa buong bansa sa pamamagitan ng bagong grassroots sports program nito na Barangay Liga.

Daan-daang kabataan ang nakilahok sa nasabing programa ng Milo, kung saan mga kabataanbay nagpakita ng kanilang husay sa larong basketball.

Muling napuno ang hard court sa iba’t ibang barangay sa pamamagitan ng programang ito ng Milo, na nahinto ng mahigit dalawang taon, bunsod ng pandemya.

“It is with excitement that we welcome again our champion kids from couch to court, and see them playing on team setting. At the Milo Barangay Liga, we see teamwork, discipline and respect in action. Aligned with the brand’s purpose of nourishing kids’ journey to success with nutritious energy and inspiration to grow with sports, the MILO® barangay Liga served as a platform for kids to develop their skills, build confidence, and become a role model to their peers. More than that, we see a lot of potential talents that we can hone and build as champions in and outside the court,“ pahayag ni Carlo Sampan, MILO Sports Executive.

Sinamahan din ng kani-kanilang mga ina ang mga kabataang lumahok sa Milo Barangay Liga upang magbigay ng suporta.

Sa bagong realidad at hamon ng buhay, napatunayan ng Milo Philippines at ng Department of Education sa mga magulang sa buong bansa na may pagkakataong ibagay at ipagpatuloy ang champion jouurney ng kanilang mga anak.

Sa muling pagbubukas ng paaralan at mga lugar ng palakasan, nakahanda ang Milo Philippines na buksan din ang Milo Clinic para sa mga kabataan sa paghubog ng bagong kampeon sa sports. (Annie Abad)