Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Baldwin, Ateneo misyon manalo

Binigyang-diin ni Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin na ang pinakamalaking focus sa kanya ay pagpapanatili sa kultura na manalo na naging sandigan nito sa tungo sa pagwawagi bilang pinakaunang kampeon sa World University Basketball Series na ginanap sa Japan.

“We came here to grow as a team and winning is a part of it, to build a winning culture,” pahayag ni Baldwin matapos itala ang 68-59 panalo kontra Tokai University ng Japan upang walisin ang apat na koponang torneo na ginanap sa lugar ng Tokyo.

Ang pagbibigay-diin ni Baldwin sa pagpapaunlad sa kulturang iyon ay mas nabibigyang-pansin sa pagrerekruta ng mga manlalaro na kinakailangan ng Blue Eagles sa paglipas ng mga taon makalipas ang pagtatapos ng tulad nina Thirdy Ravena, magkapatid na Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Gian Mamuyac at Tyler Tio at pag-alis ni SJ Belangel na nagdesisyo na maglaro sa Korea.

“This is a very new team for Ateneo. We have a very consistent roster for the last few years and we have a big changeover in personnel this year. So I think obviously learning to play together, learning to get better as a team ngunit ang pagbuo ng isang panalong kultura ay napakahalaga,” sabi pa ni Baldwin.

Para kay Baldwin, ang pinakamalaking dagdag na nakuha ng Ateneo mula sa kampanyang ito sa Japan ay ang pagkakataong mag-bonding bilang isang koponan na isa sa nawala sa nakalipas na UAAP Season 84 kung saan nabitawan nito ang korona matapos mabigo sa University of the Philippines. (Lito Oredo)