Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Baha sa South Korea 8 dedo, 7 nawawala

Patay ang walong katao habang pito ang nawawala sa naranasang malawakang pagbaha sa Seoul, South Korea bunsod ng ilang araw na pag-ulan dito.

Ayon sa South Korea Interior and Safety Ministry, mahigit sa 800 residente rin ang inilikas dahil sa baha at kinansela rin ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan bunsod ng pagkawala ng supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Seoul.
Kabilang sa mga naapektuhan ang maunlad na Gangnam district kung saan lumubog sa baha ang mga bahay, gusali at maging ang mga sasakyan.

Samantala, nakiramay si South Korean President Yoon Suk Yeol sa mga biktima ng baha kasabay ng pangakong magsasagawa ng on-site inspection sa lungsod para maiwasang maulit ang malaking pagbaha.