Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bagong virus umatake sa China

May bagong virus na kumakalat ngayon sa China, ang bansang pinagmulan ng global pandemic na COVID-19.

Ayon sa The Guardian report, dose-dosena na ang tinamaan ng bagong novel Langya henipavirus (LayV), na unang naitala sa north-eastern province ng Shandong at Henan noong 2018 ngunit nitong nakaraang linggo lamang natukoy ng mga scientist.

Hinihinalang nagmula ang virus sa mga hayop at nailipat sa mga tao, ayon sa mga siyentipiko.

Sinuri ng mga researcher ang mga wild animal at nakita ang LayV viral RNA sa mga shrew.

Halos tatlong dosenang tao sa China ang nagkasakit ng bagong natukoy na virus mula sa kaparehong pamilya ng nakamamatay na Nipah at Hendra virus, kahit na walang katibayan na ang pathogen ay maaaring maipasa mula sa tao-sa-tao. (Issa Santiago)