Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Awra, Mimiyuuh, Sassa Gurl istariray ang kabaklaan

NI: ALWIN IGNACIO

Nagkakagulo ang mga diwata at sirena dahil nga ang mga maricong sina Awra Briguela, Mimiyuuh at Sassa Gurl, in full super model mode.

Pride month kasi kaya ang tatlo, ang ginawang bentahe ng isang online fashion magazine para sa nasabing pink community celebration.

Istariray at in full glam ang tatlong bakla na may kanya-kanyang pagi-emote at patalbugan sa conceptual pictorial nila.

Siyempre, super balingkinitan at brown is beautiful ang skin tone nina Briguela, Mimi. Si Gurl, kahit sa kanyang super model poses, hindi maitatago ang natural nitong pagiging kuwela at ang front teeth nyang medyo may espasyo, eh talagang beauty signature niya.

Applauded ng mga bekibel ang paandar ng online magazine. Although may nagtataka rin kung bakit pulos femme bekis ang featured, Bet ng mga iba na all shapes and sizes of bekis ang ginawang models at dapat may special participation ang mga straight acting gay men.

Panalong ehemplo naman ang tatlo para iprisenta ang rainbow battalion kaya quiet na kayo. Tigilan na ang pagkuda.

Mabuhay kayo Awra Briguela, Mimiyuuh at Sassa Gurl sa pagiging mga mukha at modelo ng sangkabaklaan sa Pilipinas!