Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Asarrr: Direk Darryl naghahanap ng condo sa QC; dati nang bet maging persona non grata

Parehong wala pang official statement sina Aiai delas Alas at direk Darryl Yap hinggil sa pagkaka-deklara sa kanila ng Quezon City Council na ‘persona non grata’ sa naturang siyudad last Tuesday.

Nagbigay lang ng maikling statement si direk Darryl sa kanyang Facebook na maglalabas daw siya ng opisyal na pahayag in the coming days.

Pagkatapos nito ay nag-post si direk ng tila pang-aasar sa Quezon City government.

“I’m looking for a condo in Quezon City. Any agent-friends? Suggestions?” post ng direktor.

Dinagsa ng komento ang post ni direk at ang daming nagrekomenda ng properties. Ang iba naman ay tawa ng tawa sa pang-aasar niya at ang iba naman ay nagbiro na sa tabi ng QC Hall siya bumili ng condo.

Ewan kung biro pa rin, nag-post din ang direktor na goal niya noong bata ang ma-persona non grata.

Nag-post siya ng screenshot ng palitan nila ng mensahe ng isang tila childhood friend kung saan ay tinatanong niya ang kaibigan kung naaala pa nito na gusto nila dati ang ma-persona non grata.

Caption pa ni direk, “childish goals way back 2014” na ang tinutukoy nga ay ang ‘persona non grata.’

Komento ng isang netizen, “so DREAM COME TRUE pala yan direk!? Congrats po!”

Biro naman ng isa, “congrats direk lahat ng gusto mo pinagttrabahuhan at nakukuha mo.”

Reaksyon naman ng isa, “wish granted direk.”