Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ani target itaas, sapol P20 kilo ng bigas

Kumpyansa ang Bagong Maunlad na Pilipinas Movement (BMPM) Inc. na kayang bumaha sa merkado ng P20 kada kilo ng bigas.

Ayon kay BMPM chairman Gary dela Paz, kayang umani ang mga magsasaka ng mula 80 kaban hanggang 240 kaban kung maganda ang kalidad ng gagamiting buto.

“Tama ang ating mahal na Presidente na dapat magtulungan ang mga kooperatiba, pribadong sektor, eksperto at pamahalaan tungo sa maunlad na agrikultura para sa seguridad ng pagkain ng ating bansa. Para ipakita ang aming suporta kay Pangulong Marcos at bilang kalihim ng Department of Agriculture, naglatag kami ng mga plano para sa proyekto at sana ay makausap namin siya ng personal tungkol dito,” saad ni dela Paz.

Maaari rin aniyang ibaba ang operational na gastos sa sakahan gamit ang kuryente o baterya ng makina habang ang maaalis dito ay ililipat sa mas malaki ang kita gaya ng high value crop production at livelihood programs.

Bumuo rin ang BMPM ng Agriculture Action Group kung saan ang mahigit 200,000 nilang miyembro na kaanib ng Alliance of Progressive Organizations (APO) ay nagpapatubo ng ube sa Jala-Jala at nagtatanim ng kape sa Sagada. May online store din ang grupo para magkaroon ng sariling tindahan ang mga miyembro ng walang kapital at direkta pang maibebenta sa publiko ang mga produkto kumpara sa paulit-ulit na pagbaba at pagsakay ng mga ani sa trak, pagpasok sa warehouse at iba pa.