Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Albie nakontrol ang ‘topak’

NI: ARCHIE LIAO

Isa si Albie Casino sa showbiz personalities na may mental condition na kung tawagin ay ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Ang mga taong may ganitong kundisyon ay hirap na magpokus sa kanilang ginagawa, hindi mapakali at balisa kapag walang napagbabalingan o ginagawa.

Kalimitang pabago-bago rin ang energy levels nila na nakakaapekto sa kanilang trabaho, pag-aaral at maging sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain.

Pero ayon kay Albie, kahit malaking hamon para sa kanya ang ganitong uri ng mental condition, hindi na raw naman ‘big deal’ ito sa panahon ngayon.

Hindi rin daw dahilan ito para maapektuhan ang kanyang creativity bilang artist.

SM food to go Banner Ad

Ilan sa mga kilalang celebrities na tinitingala na may ADHD ay sina Adam Levine, Justin Timberlake, Paris Hilton, Channing Tatum, Emma Watson, Johnny Depp at maraming iba pa.

“I really don’t think of it as a disability anymore. I don’t think it’s a disability at all.I guess, mas marami lang akong energy, at saka yung mind ko, maraming iniisip,” aniya.

Dagdag pa niya, nako-control daw naman niya ang kanyang kundisyon at hindi naman siya nawawalan ng pokus sa tulong na rin ng medikasyon.

“I think, with the right therapy and medication, manageable naman siya and it’s not reason enough to hamper one’s creativity,”paliwanag niya.

Sa pelikulang “Biyak,” ginagampanan ni Albie ang role ng isang police officer. Naging peg niya ay ang Hollywood actor na si Denzel Washington sa “Training Day.”

Pinagbibidahan din ito nina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, at Vance Larena. na Palabas na sa Vivamax simula sa Hulyo 1.