Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Alangan ibang team kay KD

MUKHANG ilag ang ibang teams na maging third o fourth party na magiging tulay para tumawid si Kevin Durant mula Brooklyn papunta sa ibang club.

Higit isang buwan na nang humingi ng trade si KD pero walang kumakagat. At walang pumapasang trade package sa hinahanap ng Nets.

“No one wants to help (Brooklyn get a deal done),” pahayag ng isang team kay Ian Begley ng SNY.tv.

May sapat na piyesa ang Celtics at Raptors para hindi na maghanap ng third team, pero wala pang nangyayari sa usapan.

Samantala, walang ulat kung tuloy ang pakikipag-negosasyon ng Brooklyn para sa Kyrie Irving trade.

Nabanggit ni Begley na ‘good’ si Irving sa Brooklyn at kumportableng umpisahan ang nalalapit na 2022-23 o 77th season ng National Basketball Association sa team. (Vladi Eduarte)