Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Akyat-bahay ng buhay

Napanaginipan ko na may nagnakaw daw ng pagkain sa aming bahay. Sa umpisa ng panaginip ko, umuwi daw kaming mag-iina sa probinsya para magbakasyon at pabalik na sa bahay namin dito sa Metro Manila. Pero bago pa kami makapasok sa gate ng bahay naming, napansin ko na na medyo bukas ang pinto at parang may ibang tao sa loob. Inutusan ko daw ang panganay kong anak na silipin kung talagang may tao sa loob at sabi ko pa, baka kamag-anak lang din namin, pero hawak ko na ang dalawa ko pang anak at handang tumakbo kung may panganib. Maya-maya sinilip na nga ng isa kong anak sa binta kung may ibang tao sa bahay namin, pero wala siyang nakita kaya pumasok pa at doon napasigaw. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at nakita siya sa kusina, kaharap ang dalawang batang babae na kumukuha ng mga pagkain sa loob ng aming refrigerator. Pinagalitan ko raw ang dalawa saka pinalayas. Ano ang ibig sabihin nito?

– Lucy

Sa panaginip kung saan may nagnanakaw sa iyo, nangangahulugan ito na nararamdaman mong hindi ka pinapahalagahan o hindi pinapansin ng mga taong nasa paligid mo.

Maaari itong may kaugnayan sa mga kasamahan sa trabaho o maging ng pamilya mo. Senyales din ito na wala kang tiwala na rerespetuhin ka ng mga nakakasama.

Posible rin na pakiramdam mo’y pinagsasamantalahan ka – pwedeng sa pinansyal na aspekto o sa iba pang dahilan. Sa iyong panaginip, may dalawang batang babae na nagnakaw sa iyong bahay, hindi naman ito literal. Pero pwede rin naman na kumatawan ito sa mas bata sa iyo na kumukuha ng mga opurtunidad na tingin mo ay para sa iyo.

Sa pangkalahatan, normal ang nakakapanaginip ng magnanakaw. Sa panaginip, ang magnanakaw ay sumisimbolo sa uri ng benepisyo sa pagmamahal, posisyon, kasikatan at iba pang aspekto. Hindi naman literal na mananakawan ka, pero sinasabi nito na takot kang mawalan ng pagmamahal, reputasyon, o manakawan ng iba pang mahalagang bagay sa buhay mo.

Nangangahulugan din ang panaginip tungkol sa magnanakaw, na hindi stable ang mood mo o maaaring hindi ka satisfied pagdating sa sekswal na aspekto.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa [email protected].