Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

AJ napaso sa ‘tikiman’ kay Kiko; ‘nanaksak’ ng balisong

NI: VINIA VIVAR

Sa gitna ng tsismis na nasa interesting stage siya, humarap sa entertainment press kahapon ang kontrobersyal na sexy actress na si AJ Raval para sa latest Vivamax film niyang Sitio Diablo.

Dahil nga nilinaw na rin naman ng sexy actress na hindi siya preggy at hindi rin naman allowed na magtanong ng personal questions, hindi na natanong pa si AJ about the rumored pregnancy.

Natanong na lang siya kung kaya ba niya tinanggap ang action-sexy film na Sitio Diablo ay para patunayan sa mga tao na hindi siya nagdadalang-tao. Marami kasi siyang action scenes sa pelikula at first action film niya ito actually.

“Hindi ko naman din po ginagawa ito para lang po sa mga naninira sa ‘kin. Actually, dream ko po talaga mag-action, nagi-start pa lang po ako sa showbiz,” she said.

“So, happy naman po ako na makagawa ng ganitong klaseng pelikula. Nun’g tinanong po ako ni Boss Vic (del Rosario) kung gusto ko pong mag-action, sabi ko, ‘yes po, gusto ko po talaga.’ Sabi po niya, ‘sige pili ka ng direktor mo.’ Syempre, si direk Roman (Perez, Jr.) ang pinili ko,” dagdag niya.

Puring-puri naman ni direk Roman si AJ when it comes to action scenes at nasa dugo raw talaga nito since action star nga ang ama niyang si Jeric Raval.

“Ang galing niya sa knife. Nag-aral siya ng knife fighting, nag-aral ng stunts, nag-aral ng barilan, siyempre. Nag-aral pa sa Crame ‘yan. Pero nag-aaral naman yata sila talaga ni Kuya Jeric. Nag-aral siya para sa project na ito.

“Nakaka-proud si AJ dito, nanaksak basta-basta. Ang daming kalaban, ang daming stunts pero kinakaya niya,” pagmamalaki ni direk sa kanyang bida.

Nang matanong si AJ kung ano ang pinaka-challenging na eksena for her sa nasabing pelikula, sagot ng aktres ay ‘yung love scene raw nila ni Kiko Estrada.

“Kasi umabot po ako sa point na napaso ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan. Kasi, first time po ‘atang makipag-love scene ni Kiko ng ganun,” sey ni AJ.

Bukod kina AJ at Kiko, Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino at Joko Diaz, kasama rin sa pelikula ang mga hiphop artists na sina Pio Balbuena, Cean Jr., Just Hush, Ace Raval at Because.

Streaming na ngayong Aug. 26, 2022 ang Sitio Diablo sa Vivamax.