Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ai Ai gamitin ang utak – Lolit

Ni: VINIA VIVAR

Abot ang paninisi ng veteran writer/talent manager na si Lolit Solis kay AiAi delas Alas na as wel all know ay idineklarang ‘persona non grata’ sa Quezon City.

Ayon kay Nay Lolit, self-destruction daw ang ginawa ni AiAi at maling-mali raw ito na dahil lang sa pangangampanya sa isang kandidato ay pinersonal ang pag-atake sa kalaban.

“Hayan ang sinasabi ko Salve na dapat, kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tignan mo ang magiging resulta nito ng pang mahabang panahon.

SM food to go Banner Ad

“Like in the case ni Aiai de las Alas, puwede niya ikampanya ang kandidato niya ng hindi magiging very personal ang atake sa kalaban.

“Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang.

“Dapat isipin mo na meron after effect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo.” litanya ni Nay Lolit.

Payo niya pa kay Comedy Queen, dapat daw ay gamitin ang utak.

“Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends , the better. Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak,” mensahe ni Nay Lolit kay Aiai.