Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Aaron, Bolts rumesbak: AMANOS!

Mga laro bukas: (Araneta Coliseum)

(**Nagbabakbakan pa kagabi)

(**Serye tabla 1-1)

ISINALPAK ni Aaron Black ang 7 sa kanyang kabuuang 15 puntos sa krusyal na ikaapat na yugto upang bitbitin ang Meralco Botls sa 99-88 panalo kontra San Miguel Beermen upang itabla ang kanilang sariling serye 1-1 sa Game 2 ng best-of-seven semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum, Biyernes.

Hindi hinayaan ni Black, na nagtala din ng 5 rebounds at 3 assists, maiwan ang Bolts sa dalawang larong pagkakabaon matapos na lumapit ang Beermen sa 76-74 sa pagtulong nito kay Raymar Jose upang ipantay ang serye sa tig-isang panalo.

Mistula din naging magandang pasalubong ni Aaron at ng Bolts ang panalo sa pagbabalik sa bansa ng tatay niyang si Meralco head coach Norman Black.

Nanguna sa Bolts si Cliff Hodge na may 17 puntos, 14 rebounds, 1 assist, 1 steal at 1 block habang tumulong din si Allein Maliksi na may 15 puntos at 2 rebounds.

Nag-ambag naman si Chris Newsome ng 14 puntos, 9 rebounds, 5 assists at 1 steal.

Nagawang maitala ng Meralco ang pinakamataas nitong abante sa 17 puntos sa ikalawang yugto, 37-20. (Lito Oredo)