Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

8 buwan fetus hinagis sa ilog

Isang wala ng buhay na kasisilang pa lamang na sanggol ang natagpuang nakalutang sa ilog sa ilang na lugar sa Tayabas City, nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Tayabas City police, nadiskubre ng isang grupo ng mga kabataang mamimingwit ng isda ang fetus na lulutang-lutang sa Alitao River, sakop ng Sitio Ibaba, Brgy. Wakas, nasabing lungsod alas-10:30 ng umaga.

Kaagad itong kinuha ng mga awtoridad at sinuri sa City Health Office ng lungsod.

Ayon sa mga doctor, isang ganap na bata na ang fetus na tinatayang nasa 7 o 8 buwan na.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa mga awtoridad, posible umanong isinilang ang sanggol pero wala ng buhay nang iluwal.

Sa halip na bigyan nang maayos na libing ay hinagis na lamang ito ng hindi nakilalang suspek sa ilog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang nagtapon sa fetus. (Ronilo Dagos)