Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

5 nadale sa sumirkong kotse

Sugatan ang limang sakay ng isang kotse matapos itong bumaligtad dahil sa madulas na daan sa Quirino Highway, Barangay San Diego, Tagkawayan, Quezon, Sabado ng gabi.

Sa report ng Tagkawayan police, mag-a-alas-otso ng gabi, patungong Camalig, Albay ang kotse nang pagsapit nito sa kurbadang daanay nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho na si Miles Pardalis, 39. Nahulog sa kanal ang kotse at bumaligtad.

Wasak ang unahan at bubong nito na nagdulot ng pinsala sa mga sakay kabilang ang driver.

Kinilala ang mga sugatang pasahero na sina Jocelyn Losabia, 50; Jonna Navarro, 23; Annie Atiquera, 23 at isang menor de edad, pawang taga-Albay.

Isinugod ang mga ito sa Maria Eleazar General Hospital sa bayan ng Tagkawayan.

Ayon sa mga imbestigador, madulas na kalsada dulot ng pag-uulan ang dahilan ng aksidente. (Ronilo Dagos)