Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

400 eskuwelahan nagsara sa pandemya

Ibinunyag ni Senador Sherwin Gatchalian kahapon na umaabot sa 400 pribadong eskuwelahan ang nagsara dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ito ng senador sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Maynila Bay kung saan tinanong sa kanya ang isyu sa biglang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City.

“Unang-una, nakakalungkot dahil ako ang view ko dyan, we have to support all types of learning institution dahil ang tinuturuan nila bata, whether private or public, ang mga bata na `yon ay future ng ating country so nalulungkot ako dahil isa silang learning institution and one of the most respected dahil matagal na rin sila. And in due fairness to them they said they will refund the tuition although masakit din sa parents kasi nag-enrol na,” ani Gatchalian.

Binanggit nito na sa kasagsagan ng pandemya ay nasa 400 pribadong eskuwelahan ang nagsara at bagama’t nagbigay naman aniya ng ayuda ang gobyerno ay hindi pa rin sapat ito.

“Kapag nag-close ang private school, unang-unang nawawalan ng trabaho ang teaching staff at non-teaching staff. Under Bayanihan 1 and 2 nagbigay tayo ng subsidy but I know it’s not enough but we have to make sure na ang mga students na na-displace meron silang pupuntahan. Especially we have public schools ready sila i-accept. We don’t distinguish whether private or public schools ang mga bata dapat nag-aaral,” dagdag pa ng senador.

Samantala, inihayag ng Quezon City legal department na maaaring maharap sa legal action ang CDSL

“The possible legal action(s) against CDSL will be dependent upon those directly affected as well as on the CHED (Commission on Higher Education) and DepEd (Department of Education) who have jurisdiction over it as an educational institution. Mayor Joy Belmonte has instructed my Office through our Public Assistance and Legal Aid Office to assist those who have been affected by the incident,” ayon kay QC legal counsel Orlando Paolo Casimiro.

Nakahanda aniya ang pamahalaang lungsod na tulungan ang mga magulang, estudyante, guro at non-teaching personnel sakaling nais nilang sampahan ng kaso ang CDSL.