Kinilala na ng pulisya ang tatlong pasahero ng bumagsak na chopper kamakalawa sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, ayon sa report mula sa Aviation Security Command (AVESCOM).
Ito ay sina Diosdado Lumandan, 60, piloto na nasawi sa insidente habang sugatan sina Ivan Barcelona Abiong at Rodly Jasper Esogon, kapwa aircraft mechanics.
Sa inisyal na ulat ay technical problem ang sanhi ng sakuna.
Sa tala ng Pacific Spotter Company nagsasagawa ng technical repairs ang tatlo para sa Model MD369HS helicopter na gawa noong 1973 nang bumagsak ito ala-1:15 ng hapon malapit sa Building 7162 Nabcor area sa Clark Field, Pampanga. (Kiko Cueto)