DALAWANG dating pulis ang inaresto ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa magkahiwalay na operasyon sa probinsya ng Pangasinan at sa Rizal.
Sinabi ni Brig. Gen. Samuel Nacion, chief ng Integrity Monitoring and Enforcement Group, na ang suspek ay si SPO1 Armando Arenas Junio Jr.
Si Junio ay isang dismissed na pulis at dating miyembro ng Quezon City Police District, Station 6 Batasan, na naaresto ng IMEG at Pangasinan Police Provincial Office sa pamamagitan ng search warrant noong Agosto 2, sa Brgy. Tambac, Bayambang, Pangasinan.
“The dismissed policeman was reported for indiscriminate firing whenever he is under the influence of liquor,” sinabi ni Nacion.
Sumunod namang nadakip ng pwersa ng IMEG at Taytay Municipal Police Station si retired PNP Pat Ephraim Ferrer Jr, noong August 4 sa Blk 41 Sampaguita St., Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Sinabing si Ferrer ay sangkot umano sa iligal na droga.
May kinalaman din umano ito sa carnapping, gun- running at pagdadala ng unlicensed firearms. (Kiko Cueto)