Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

13-anyos nakagawa ng sariling video game

Isang 13-anyos na lalaki ang hinahangaan ngayon sa TikTok matapos makagawa ng video game sa pamamagitan ng application na Python.

Sabi ni Genilo Adrian Hugo Sosa, kapatid ni Andrei Lloyd Sosa, speechless daw siya dahil sa panonood lamang ng YouTube natuto ang bunsong kapatid niya na mag-program at makagawa ng games sa panonood lamang sa YouTube.

“My youngest brother, 13 yrs old, can now create games now using Python. I’m speechless. To think sa YT lang siya natuto magprogram. As a hobby raw,” ani Genilo.

Ayon pa kay Genilo, madalas pagbawalan ng kanilang ina ang dalawa niyang kapatid na lalaki na maglaro ng video games kaya gumawa na lamang ng games si Andrei, na naging libangan na nito. (Issa Santiago)