Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

1.3M pobre na binura sa 4Ps pinaimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng isang mambabatas ang pagbura sa listahan ng 1.3 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 200, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na hindi katanggap-tanggap ang sinasabing marami ng pamilya ang nakaraos mula sa kahirapan at kinonsidera nang `non-poor’ gayong walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, walang maayos na pasahod at maraming walang trabaho.

“This `instawid’ or instant tawid scheme is highly questionable and must be investigated,” ayon kay Brosas.

SM food to go Banner Ad

Giit pa ng mambabatas na malaking katanungan din ang kawalan ng klaripikasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung ano ang gagawin sa P15 bilyong matitipid matapos burahin ang nasa 1.3 milyong benepisyaryo sa listahan ng 4Ps.

Dahil dito, hiniling ni Brosas sa liderato ng Kamara na suportahan ang inihain nilang resolusyon sa pamamagitan ng pagpapatawag ng imbestigasyon ukol dito.

“We in Gabriela party-list have always put forward our critique of the limitations of 4Ps as a failed poverty alleviation program. But in times of dire crisis, such program can serve as lifeline to struggling Filipinos. Kaya malaking usapin ang pagbawas sa bilang ng benepisyaryo nito,” dagdag ni Brosas. (Eralyn Prado)